Nakakainis.
Minsan nakakainis ang mga taong expressive.
Yung tipong pag masaya:
Lahat ng joke sa mundo itutula. (mga ganitong banat: mainit ba? or am I just too hot?. *pakshet*)
Nagiging insensitive na sa feelings ng ibang tao. (so what kung malungkot sila?)
pag malungkot:
I therefore declare sadness as the national emotion of the day! Anyone, as in ANYONE, seen to be smiling will be doomed. (Pipitikin ang mata pag hindi sumunod!)
pag galit ka:
walang lalapit! (parang suspect sa isang hostage scene, so wala ngang magtatangka dahil babatuhin mo sila ng kamatis at pag ang level ng galit mood mo eh on the highest, durian ang pinangpupukol mo)
_ _\
Pambihira.
Hindi.
Sobrang pambihira.
Kailangan lahat ng tao sa paligid apektado. Kailangan ang mood nakadepende sa flactuation ng expression ng muka. Minsan masayang mainis. Pero may mga minsan din na gusto mong palitan si Bonifacio at maghimagsik.
Sa totoo lang, madali naman ako kausap. Kaso napag-aralan ko rin kasi ang mabadtrip. Isa sa mga ayoko eh yung masyadong expressive. (nasabi ko na 'di ba?) Kakasakal.
Pero (paborito ko talaga 'tong word na 'to) isa rin sa mga tinataasan ko ng kilay eh yung pinagmumuka akong ewan. Hindi ko pinangarap na maging alagad ni Madam Auring at wala sa talaan ng talents ko ang pumikit at sapian ng espirito. Nung bata ko, akala ko ako special ako at may kakayahan akong basahin ang isip ng ibang tao, pero ngayon, oo alam kong cute ako at mukang bata pa rin, pero nagising na ako: HINDI KO ALAM ANONG INIISIP MO. *goodness!*
Sabi ko naman kasi, (mahinahon na ulit)... madali ako kausap, wag mo lang aabusuhin. Pero mas ok sana kung inabuso mo na nga lang kasi alam kong napapansin mo, kaso mas malala, binalewala mo. Naalala ko tuloy yung Anime na Bloodplus, sabi nung isang character dun, isa daw sa mga nakakalungkot na bagay sa mundo eh yung makalimutan ka, balewalain ka. (tinagalog ko na ha, baka isako mo ako pag japanese nilagay ko). Ayun, I feel for her na tuloy ngayon. Ikaw kaya ang iwan sa ere, at ang malala, sinubukan mong sumabit sa parachute niya, kaso bago ka pa makalapit, mas pinili pa niyang magpatihulog kesa sagutin ang mga katanungan mo.
Pambihira.
Hindi.
Sobrang pambihira.
Kaya ngayon, tingin ko, nakakainis nga ang maging masyadong expressive, pero mas nakakatuliro ang makulong sa katahimikan.